3.) Damhin
October 9, 2008
· Filed under Uncategorized
ako ay
tinanong maminsan;
tunay nga ba ang nasambit?
Na kita'y ibig, ngiti mo'y ligaya?
Ya'y di ko sasagutin; Malulunod lang ang
aking tinig sa ingay ng busina ng bus, sa lakas
ng ugong ng radyo, nakakarinding tunog ng syudad.
Bagkos, sinta, alalahanin ang mga halakhakan sa
tuwinang magkasama at ang marahang pagdampi
ng aking labi sa iyong mala-anghel na
mukha. Ipikit ang iyong mga mata't
sa dibdib ko ang iyong kamay;
Damhin ang bawat pintig
at sabihin sa akin
kung ano ang
nakikita
mo?