1.) Bukangliwayway

Di man lang pumasok sa isip kong darating ka sa buhay ko.

Ang puso ko’y naghihilom, takot at makailangulit nang nasugat at nadurog. Ikaw, naghahanap ng kasagutan. Tayo’y walang malay na pinagtagpo ng tadhana. Walang nag-akalang may tulay sa pagitan ng mga mundo natin.

Mala-pelikula ang lahat. Isang pagkakataon, sa basbas ng Kapalaran, pana ni Kupidong may kuryente ay sumipat. Sa puso nating dalawa.

Ako ngayon ang iyong Mahal, at ikaw, ang aking Sinta. Maligaya ako’t tayo’y nagkatagpo. Sana’y hindi ito isang panaginip; huwag kang maglalaho sa aking paggising. At sana ikaw ay laging nandito. Dito lang. Sa tabi ko.

(100 words)

Say your words